P9.86-bilyong buwis, binayaran ng Ayala group bago ang extended deadline | Ayala

Press Releases

18May2020

P9.86-bilyong buwis, binayaran ng Ayala group bago ang extended deadline

 

Makati City, Philippines – May 18, 2020 Hindi na hinintay ng mga kompanya ng Ayala group ang extended deadline sa pagbabayad ng buwis sa hangaring matulungan ang gobiyerno sa pagpapalawig ng COVID-19 response ng bansa at paghahanda sa “new normal.”   

Ang mga pangunahing negosyo ng Ayala group—ang Ayala Corporation, Ayala Land, Inc., Bank of the Philippine Islands, Globe Telecommunications, Inc., AC Energy, at Manila Water Corporation—ay nagbayad ng P9,858,293,348 kabuuang buwis bago pa man ang June 14, 2020 deadline. 

Sa isang joint statement noong nakaraang lingo, nagpasalamat sina Jaime Augusto Zobel de Ayala and Fernando Zobel de Ayala—ang chairman at president ng Ayala group—sa Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkilala sa suportang ibinibigay ng Ayala group habang nilalabanan ng bansa ang COVID-19.  

“We are committed to help the President tackle the many challenges he has to deal with and are confident that by working together, our country can overcome each challenge, save lives, and gradually put the country back on a path of growth,” saad ng joint statement.  

Iniriin din ng magkapatid na Ayala ang kahalagahan ng kooperasiyon sa pagitan ng pribado at pampublikong sector habang hinarap ng bansa ang epekto ng pandemya.  

Group-wide Bayanihan 

Sa kasalukuyan, naglabas ang Ayala group P5.6 bilyong response package na naglalayong protektahan ang bawat empleyado ng grupo, ipagpatuloy ang galaw ng mga negosyo, suportahan ang partners at kliyente, at bigyang tulong ang mga komunidad na pinagsisilbihan nito.   

Pinangunahan din ng Ayala group ang pag-convert sa World Trade Center sa isang 500-bed quarantine facility na mayroong ligtas at kontroladong isolation cubicles pati na rin examination rooms at quarters para sa medical personnel. Sa loob ng pitong araw, ang 9,700 square meters na pasilidad ay na-turnover sa Armed Forces of the Philippines at agad na nagamit.

Ayala rin ang nagpatayo sa lahat ng testing booths sa apat sa Mega Swabbing Centers sa Palacio de Maynila Tent sa Roxas Boulevard, Mall of Asia Arena sa Pasay City, Enderun Colleges sa Taguig City, at sa Philippine Arena sa Bulacan. Layunin ng Mega Swabbing Centers na ma-swab ang 55,000 indibiduwal sa Kalakhang Maynila sa loob ng tatlong linggo.  

Sa pamamagitan ng Project ARK ng Go Negosyo, nakipagtulungan ang Ayala sa ilang business groups para sa karagdagang RT-PCR machines upang mapabilis at mapalawig ang testing capacity ng anim na hospital ng gobiyerno. Ang machines na ito ay makakapagproseso ng 7,000 swab tests sa loob isang araw.

Nanguna rin ang Ayala group sa pakikipagtulungan sa ibang miyembro ng pribadong sector sa pagbuo ng Project Ugnayan, isang multi-sectoral na inisiyatibong nakapagbigay ng mabilis at kinakailangang tulong sa mga pinakamahihirap na komunidad ng Kalakhang Maynila. 

Sa datos na inilabas ng Philippine Disaster Resilience Foundation, as of April 27, humigit kumulang 2.4 milyong pamilya at 12 milyong katao ang natulungan ng Project Ugnayan at ng iba’t ibang distribution channels nito kasama ang Project Damayan ng Caritas Manila, Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN, Bayan, Bayanihan ng Asian Development Bank at gobiyerno, at FoodAID program ng Jollibee. 

Sa gitna ng krisis na dala ng pandemya, patuloy ang serbisyong tapat ng Ayala group sa mga empleyado, partner, kliente, at komunidad sa paligid nito.  

Top

Copyright © 2017, Ayala Corporation

privacy | terms of use